This is KaneBarry Travel Stories • KBTS. I’m a travel vlogger, and I share my travel stories and adventures. I features off-the-beaten-path destinations, cultural experiences, and outdoor adventures. I’m passionate about exploring new places and meeting new people. If you’re interested in travel inspiration, cultural insight, or living vicariously through others’ adventures, this channel might be worth it for you.
Join me as we tell untold stories, capture raw experiences, and explore places with purpose.
🎥 New videos every 1–3 weeks
🌍 Travel | History | Filipino Culture
#KBTS #TravelStories #Philippines
🇵🇭🌏🌲⛰️🏝️⚓️
Help me grow this channel by clicking the Subscribe button.
Contact info: barrycandelaria17@gmail.com
SUBSCRIBE FOR MORE EXCITING TRAVEL
MAKING MILLIONS OF SUBSCRIBERS
KaneBarry Travel Stories
Buried for a century
1 week ago | [YT] | 0
View 0 replies
KaneBarry Travel Stories
Hello mga ka-KBTS, para sa mga sumusubaybay pasensya na medyo natagalan tayo ng upload, pero bukas may panibagong istorya na naman tayo ng paglalakbay, kita-kits 5pm
1 week ago | [YT] | 1
View 0 replies
KaneBarry Travel Stories
Paano nakilala ang lugar na ito?
2 weeks ago | [YT] | 0
View 0 replies
KaneBarry Travel Stories
Maging consistent—mahirap.
Tipong gagawa ka ng video, gugugol ng oras, pagod at effort, tapos 100 views lang ang makukuha mo. Yung exhaustion ng katawan at isipan, talagang nakakaubos ng energy. Lalo na kapag may iba ka pang ginagawa.
Pero kahit gano’n, hindi ko nararamdamang gusto kong mag-stop.
Hindi naman kasi pera ang pinaka-nilook forward ko. Hindi ibig sabihin na hindi ko gustong kumita—syempre gusto ko rin. Pero hindi pa iyon ang pinaka-goal ko.
Ang pinaka-goal ko talaga ay gumawa ng makabuluhan at quality na content, at hayaan kong yung ginagawa namin ang unti-unting gumawa ng kita para sa amin.
Nagsimula ako sa content creation noong 2023. Wala akong masyadong idea noon. Sabog pa ang direction—yung tipong, “Ah, ito, i-content natin.”
Iba pa ang pangalan ng channel/page noon. ICEUS TV pa.
Hanggang sa may isang vlog na nag-open sa akin ng idea kung anong klaseng content ang gusto kong gawin hanggang sa kung nasaan kami ngayon.
Pero hindi ibig sabihin na nagbago ang content namin overnight.
Noong mga panahong iyon, walang nakakakilala. Hindi pa effective ang mga title at thumbnail. May nagsasabi pa sa akin na, “Mag-clickbait ka.”
Siguro noon, puwedeng gano’n.
Pero habang tumatagal, narealize ko na hindi lang basta click ang kailangan.
Curiosity.
Dapat sa thumbnail at title pa lang, may tanong nang mabubuo sa isip ng viewer.
Tuloy lang kahit walang nanonood.
Pupunta ka sa malayo—Benguet halimbawa—tapos 300 views lang. Minsan 800.
At alam mo sa sarili mo kung gaano karaming effort ang inilaan mo para lang makagawa ng isang video.
Nakaapekto rin sa channel yung mga dati kong nonsense vlog. Bakit?
May ranking system si YouTube, at sa umpisa, hindi ka pa kilala ng system. Hindi pa niya alam kung sino ang audience mo at kung sino ang dapat niyang pagpakitaan ng content mo.
Na-experience ko rin yung parang ang daming views noong bago pa lang, tapos biglang kumonti.
Pagkatapos ng isang taon, mababa pa rin ang views.
Kaya napaisip ako:
Ano ba talaga ang kailangan kong gawin?
Hindi ko man alam noon kung ano mismo ang solution, isang bagay lang ang nasa isip ko—
Tuloy lang.
Hanggang sa unti-unti kong nakita kung ano ang puwedeng maging direction ng channel.
May isang content na tumulong para mahila pataas ang channel. Sumabay ako noon sa isang trend at nag-vlog ako sa Aurora, Quezon.
Putok pa noon yung issue.
Pero hindi ko ginawang puro issue ang kwento.
Ipinakita ko muna yung ganda ng Baler—at maganda naman talaga. Tapos saka ko ipinasok sa huli yung kwento ng trahedya.
Kaya naging tungkol sa beauty and tragedy ang naging kwento ng video.
Yung mga sumunod na uploads, hindi pa agad perfect.
May isang hindi gano’n kaganda.
May sumunod na mas okay.
Hanggang sa may nakita akong isang kakaibang lugar na gusto kong i-vlog.
Hindi siya sikat. Bago pa lang sa akin. May nauna nang nag-vlog tungkol dito, pero may sarili akong curiosity.
Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang kwento ng lugar na iyon.
At doon ko mas naramdaman na may direksyon na kami.
Ngayon, iba na ang takbo.
May mga viewers nang nakakatulong para maitaas ang ibang videos na mababa ang views. Mas marami na ring positive comments na natatanggap.
Syempre, may negative comments pa rin.
At normal lang iyon.
Hindi naman lahat pare-pareho ng pananaw, interest at opinyon.
Pero habang tinitingnan ko lahat ng ito, may isang bagay akong narealize:
Sobrang layo ko na pala sa dating ako.
Hindi ko sinasabing sobrang galing ko na ngayon.
Malayo pa.
Pero nakakatuwa lang isipin na unti-unti kong natututunan kung paano makita yung mga kahinaan ko, kung paano matuto, at kung paano pagandahin pa yung ginagawa namin.
At kahit walang monetary result na malaking maipagmamalaki sa ngayon, may ibang klaseng reward na nakikita ko—
yung progress.
Yung matuto.
Yung makita mong may konting nagbabago sa numbers.
Yung may taong nagsasabing may natutunan sila sa video mo.
At yung pakiramdam na kahit maliit, may naiaambag ka.
Sana maabot namin yung goal namin na mas marami pang tao ang maabot ng mga video na ginagawa namin.
Hindi naman lahat interesado sa ganitong klaseng vlog.
At okay lang iyon.
Ang gusto lang namin ay mahanap at maabot yung mga taong may ganitong interest—yung mga taong gustong makakita ng lugar, malaman ang kwento nito, matuto, at ma-entertain habang nanonood.
Gusto namin na habang pinapanood ninyo ang bawat vlog, parang kasama na rin namin kayo sa aming paglalakbay.
At bago pala ang lahat—
Bago kami gumawa ng isang vlog, nagre-research muna kami.
Gumagawa kami ng script, hindi para kabisaduhin word-for-word, kundi para magkaroon ng pattern at direksyon habang kinukuwento namin ang isang lugar.
Hindi lang basta punta, kuha ng video, at uwi.
Kaya minsan, medyo matagal bago masundan ang isang vlog.
Pero iyon yung klase ng content na gusto naming gawin.
Content na may kwento.
May research.
May effort.
At higit sa lahat, may halaga.
Nakakatuwa lang makita na unti-unti nang nagbabago ang numbers.
Hindi man malaki.
Pero may progress.
At para sa akin, sapat na muna iyon para magpatuloy.
Maraming, maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay, panonood, pag-comment, at pagsama sa amin sa bawat paglalakbay.
Grateful and thankful.
Tuloy lang.
Kita-kits sa susunod na kwento.
1 month ago | [YT] | 3
View 0 replies
KaneBarry Travel Stories
Ano nga ba Ang sikretong nakatago sa loob ng abandonadong resort na ito?
2 months ago | [YT] | 1
View 0 replies
KaneBarry Travel Stories
Hindi na napapansin ng marami, ngunit hanggang ngayon, napanatili ng lugar na ito ang ilan sa mga magagandang lumang bahay na tila naiwan ng panahon.
2 months ago | [YT] | 0
View 0 replies
KaneBarry Travel Stories
Salamat sa mga comment nyo ❤️🤝🫡
3 months ago | [YT] | 4
View 2 replies
KaneBarry Travel Stories
WATCH THIS VIDEO
https://youtu.be/O93wA_mdad8?si=-aqtB...
3 months ago | [YT] | 2
View 0 replies
KaneBarry Travel Stories
Isa na namang kwento ng paglalakbay. See you sa ating next upload. Ating alamin Ang kwento at kasaysayan ng kweba na ito.
PS: Bago pa pong ieedit 😉👍
4 months ago | [YT] | 5
View 2 replies
KaneBarry Travel Stories
Exploring Pangasinan. From salt farming to beautiful beaches
4 months ago | [YT] | 1
View 0 replies
Load more