Paulines Multimedia

๐๐š๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ข๐ฆ๐ž๐๐ข๐š is the media production and digital communications sector of the Daughters of St. Paul, Philippine-Malaysia-Thailand Province. We create video, audio, podcasts, livestreams, social media content, graphics, and other digital initiatives to share the Gospel through todayโ€™s media.

Rooted in the spirit of St. Paul the Apostle, we bring together faith, creativity, storytelling, and technology to create content that informs, inspires, and accompanies.

๐–๐ž ๐œ๐ซ๐ž๐š๐ญ๐ž. ๐–๐ž ๐œ๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐š๐ญ๐ž. ๐–๐ž ๐œ๐จ๐ง๐ง๐ž๐œ๐ญ. ๐–๐ž ๐›๐ซ๐ข๐ง๐  ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ข๐ ๐ข๐ญ๐š๐ฅ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ฅ๐.

๐’†-๐’Ž๐’‚๐’Š๐’: ๐’‚๐’—๐’‘๐’Ž๐’‘๐’•@๐’‘๐’‚๐’–๐’๐’Š๐’๐’†๐’”.๐’‘๐’‰/๐’‘๐’‚๐’–๐’๐’Š๐’๐’†๐’”_๐’Ž๐’–๐’๐’•๐’Š๐’Ž๐’†๐’…๐’Š๐’‚@๐’Š๐’„๐’๐’–๐’….๐’„๐’๐’Ž | +63 923 522 7747


Paulines Multimedia

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ฅ ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž 3, 2026 โ€“ ๐’๐š๐›๐š๐๐จ, ๐ˆ๐ค๐š-26 ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง
Kapistahan ni San Dionisio
Unang Pagbasa: Job 42, 1-3. 5-6. 12-16 | Salmong Tugunan: Salmo 119
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines

Ebanghelyo: Lucas 10: 17-24
Tuwang-tuwang nagbalik ang pitumpuโ€™t dalawa at ang sabi: โ€œPanginoon, mga demonyo maโ€™y sumuko sa amin dahil sa iyong pangalan.โ€ โ€œNakita kong bumagsak na parang kidlat si Satanas mula sa Langit. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihang yumapak sa mga ahas at alakdan. Masusupil nโ€™yo ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang anumang makapipinsala sa inyo. Subalit magalak kayo hindi dahil sa pagsuko sa inyo ng mga espiritu kundi sapagkat nasusulat sa Langit ang inyong mga pangalan.โ€ Nang sandaling iyoโ€™y nag-umapaw sa galak sa Espiritu Santo si Hesus at sinabi niya: โ€œPinupuri kita, Ama, Panginoon ng Langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama naging nakalugud-lugod ito sa inyo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala kung sino ang Anak kundi ang Ama, at kung sino ang Ama kundi ng Anak at ang sinuman gustuhing pagbunyagan ng Anak.โ€
Pagkatapos ay bumaling si Hesus sa mga alagad at sinabi sa kanila ng sarilinan: โ€œMapalad ang matang nakakakita ang inyong nakikita. Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at hari ang nagnais makita ang inyong nakikita ngunit hindi nila nakita, at marinig ang inyong naririnig ngunit hindi nila narinig.โ€
Pagninilay:
Sa Mabuting Balita ngayon, masayang-masaya ang pitumpuโ€™t dalawang alagad. Marami silang nagawa sa pangalan ni Jesus. Nakaranas sila ng kapangyarihan, tagumpay, at nag-bunga ang kanilang misyon. Ngunit tila may isang bagay na nais itama ni Jesus sa kani-lang kagalakan: Huwag ninyong gawing sukatan ng inyong halaga ang inyong mga nagawa. Napakadali rin nating mahulog dito. Masaya tayo kapag naging matagumpay ang ating apostolate/misyon, maganda ang resulta ng isang proyekto, maraming tumugon sa ating mensahe o panawagan, o napansin ang ating ambag. Ngunit kapag walang nakapansin, kapag tila walang bunga ang ating pagpapagal o pagsasakripisyo, o kapag may pumuna sa atin, bigla nating nararamdaman na parang walang saysay ang ating ginagawa. Kaya sinasabi ni Jesus: โ€œMagalak kayo, dahil nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.โ€ Hindi nakasalalay ang tunay nating halaga sa dami ng nagawa kundi sa minamahal at tinawag tayo ng Diyos. Napakahalagang maalala ito sa ating buhay. Maaari tayong maging abala sa paglilingkod ngunit unti-unting nakakalimot kung para kanino tayo naglilingkod. Maaari nating ipangaral ang Diyos ngunit hinahanap naman na makilala ng iba. Maaari nating ibigay ang lahat sa misyon ngunit nasasaktan kapag hindi tayo pinahalagahan.
Ngayong araw, tanungin natin ang ating sarili: Kung walang makakakita sa aking ginagawa, gagawin ko pa rin ba ito para kay Jesus? Kung walang papuri, sapat na ba sa akin na alam ng Diyos ang aking katapatan? Ina-anyayahan tayo ni Jesus sa isang mas malalim na kagalakan: โ€˜yung hindi nakasalalay sa achievement, recognition, o approval ng iba. Ang manatiling tapat sa pagmamahal ng Diyos ang pinakamagandang tagumpay.
Mga kapanalig, gawin natin nang buong puso ang tungkulin, ngunit huwag nating hayaang ito ang maging ating pagkaka-kilanlan. Hindi tayo mahal ng Diyos dahil marami tayong nagagawa. Marami tayong nagagawa dahil una Niya tayong minahal. Kapag ito ang naisapuso natin, nagiging mas malaya, mas mapagpakumbaba, at mas masaya ang ating paglilingkod.
-Sr. Deedee Alarcon, fsp | Daughters of St. Paul

8 hours ago | [YT] | 34

Paulines Multimedia

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ฅ ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž 2, 2026 โ€“ ๐๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐ž๐ฌ, ๐ˆ๐ค๐š-26 ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง
Kapistahan mga Banal na Anghel na Tagatanod
Unang Pagbasa: Exodo 23, 20-23 | Salmong Tugunan: Salmo 91
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines

Ebanghelyo: Mateo 18: 1-5. 10
Lumapit kay Hesus ang mga alagad at tinanong nila siya: โ€œSino ang mas una sa Kaharian ng Langit?โ€ Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at ipinagitna sa kanila, at sinabi: โ€œSinasabi ko sa inyo: hanggang hindi kayo nagbabago at nagiging tulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa Kaharian ng Langit. At nagpapakababa gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinakamalaki sa Karihan ng Langit. At tinatanggap naman ako ng sinumang tatanggap sa batang ito nang dahil sa aking pangalan. Huwag sana nโ€™yong hamakin ang isa sa maliliit na ito; talagang sinasabi ko sa inyo na laging nasa harap ng aking Ama sa Langit ang kanilang mga anghel sa Langit.โ€
Pagninilay:
Kapanalig, naniniwala ka ba na ang bawat isa sa atin ay may guardian angel? Naalala ko ang Coloring Book na Angel of God. Tuwing ikinukuwento ko iyon sa mga bata, lagi kong ipinapakita ang larawan ng isang batang gumawa ng masama. Umiiyak ang kanyang guardian angel, subalit nakangisi naman ang demonyo. Nagpapahiwatig ito na kapag sinusuway natin ang ating guardian angel, pinasasaya natin ang demonyo. Kapanalig, hindi lang ito kuwento para sa mga bata. Kwento rin ito para sa mga hindi na bata dahil lahat tayo ay may guardian angel. Sila ang ating anghel na tagabantay o tagatanod. Kapag nararamdaman natin na parang may pumupigil sa ating gumawa ng masama sa ating kapwa, tandaan natin na aktibo ang ating guardian angel sa pag-akay sa atin sa kabutihan at paglayo sa atin sa masama. Subalit gaya ng Diyos, iginagalang din niya ang ating kalayaan. Nasa atin ang huling pagpapasya kung kanino tayo makikinig: sa bulong ng anghel o sa sulsol ng demonyo. Tuwing nang-aapi tayo ng mahihina at dukha, sinusuway natin ang inspirasyon ng ating anghel na tagabantay. Kapag ginagawa natin ito, hindi lamang ang ating guardian angel ang nalulungkot kundi ang Diyos din. Sabi nga sa ating binasa, malapit sa trono ng Diyos Ama ang angel ng mga mahihina at dukha na tanging kanilang pag-asa at lakas. Kapanalig, hingin natin sa Diyos ang grasyang maunawaan at sundin ang bulong at inspirasyon ng ating guardian angel upang mailayo tayo sa pag-isip at paggawa ng masama. โ€œMahal naming guardian angel, bantayan at gabayan mo kami lagi. Amenโ€.
Sr. Lou Ranara, fsp | Daughters of St. Paul

1 day ago | [YT] | 77

Paulines Multimedia

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ฅ ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž 1, 2026 โ€“ ๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ, ๐ˆ๐ค๐š-26 ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง
Kapistahan ni Sta. Teresita ng Sanggol na si Hesus
Unang Pagbasa: Job 19, 21-27 | Salmong Tugunan: Salmo 27
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines
Ebanghelyo: Lucas 10: 1-12
Humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpuโ€™t dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan. Sinabi niya sa kanila: โ€œMarami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa; idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.
Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan. Saanmang bahay kayo pumasok, sabihin muna ninyo: โ€˜Mapasatahanang ito ang kapayapaan!โ€™ Kung mapayapang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan.
Kung hindiโ€™y magbabalik sa inyo ang inyong dasal. At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at uminom na kasalo nila sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sahod. Huwag kayong magpapalit-palit ng bahay. Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anumang ihain sa inyo. Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: โ€˜Palapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos.โ€™ Saanmang bayan kayo pumasok at di nila kayo tanggapin, lumabas kayo sa mga liwasan nito ang inyong sabihin: โ€˜Pati na alikabok mula sa inyong bayan na kumapit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin sa inyo. Gayunman, alamin ninyong palapit na ang Kaharian ng Diyos.โ€™ Sinasabi ko sa inyo na magaan pa ang sasapitin ng mga taga-Sodom kaysa bayang iyon sa dakilang Araw.โ€

Pagninilay:
Ang pagsusugo ni Hesus sa pitumpung alagad na ating narinig sa Mabuting Balita ay hindi lamang kuwento na nangyari noon. Nararanasan din natin ito sa ating pang-araw araw na buhay. Tayo rin ay isinusugo araw-arawโ€”hindi lamang sa simbahan kundi sa ating tahanan, opisina, paaralan, negosyo, at maging sa social media. Ang bawat Kristiyano ay may misyon na maging tagapaghatid ng pag-asa, kapayapaan, at pag-ibig ng Diyos.
Ang paalaala ni Hesus sa mga alagad, huwag magdala ng maraming bagay. Gusto niyang matuto silang magtiwala sa Diyos kaysa sa kanilang sariling kakayahan. Paalaala rin ito sa atin. Sa panahon ngayon, iniisip nating madalas na kailangan muna nating maging handa, magkaroon ng mataas na pinag-aralan, maging magaling sa mga bagay-bagay, bago tayo makapaglingkod. Ngunit ang hinahanap ng Panginoon ay hindi perpektong tao, kundi pusong handang sumunod at magtiwala.
Napakalapit sa puso ko ang Gospel narrative na ito, dahil nagpapaalaala ito sa akin ng misyon na karaniwan naming ginagawa as Daughters of St. Paul; ang bumisita sa mga pamilya, sa parokya, sa mga schools na kung saan ay dinadala namin ang bibliya, mga aklat at iba pang mga babasahin na makakapagpalalim ng pananampalataya at pakikipag-ugnayan sa Dios.
Kapanalig, ang paalaala ni Hesus sa mga alagad, ay paalaala rin niya sa bawat isa sa atin. Dalhin ang kapayapaan saan man magpunta. When we are confronted with anger, division and negativity around us; tayong mga Kristiyano ay tinatawag at isinusugo na maging tagapaghatid ng kapayapaan. Minsan, sa pamamagitan ng mabuting salita, isang taos-pusong pakikinig, isang simpleng paghingi ng tawad, o isang tahimik na pagtulong ay sapat na upang maranasan ng iba ang presensya ng Diyos.
- Sr. Pinky B. Barrientos, fsp | Daughters of St. Paul

2 days ago | [YT] | 65

Paulines Multimedia

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ฅ ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž 1, 2026 โ€“ ๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ, ๐ˆ๐ค๐š-26 ๐ง๐š ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง
Kapistahan ni Sta. Teresita ng Sanggol na si Hesus
Unang Pagbasa: Job 19, 21-27 | Salmong Tugunan: Salmo 27
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines
Ebanghelyo: Lucas 10: 1-12
Humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpuโ€™t dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan. Sinabi niya sa kanila: โ€œMarami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa; idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.
Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan. Saanmang bahay kayo pumasok, sabihin muna ninyo: โ€˜Mapasatahanang ito ang kapayapaan!โ€™ Kung mapayapang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan.
Kung hindiโ€™y magbabalik sa inyo ang inyong dasal. At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at uminom na kasalo nila sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sahod. Huwag kayong magpapalit-palit ng bahay. Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anumang ihain sa inyo. Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: โ€˜Palapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos.โ€™ Saanmang bayan kayo pumasok at di nila kayo tanggapin, lumabas kayo sa mga liwasan nito ang inyong sabihin: โ€˜Pati na alikabok mula sa inyong bayan na kumapit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin sa inyo. Gayunman, alamin ninyong palapit na ang Kaharian ng Diyos.โ€™ Sinasabi ko sa inyo na magaan pa ang sasapitin ng mga taga-Sodom kaysa bayang iyon sa dakilang Araw.โ€

Pagninilay:
Ang pagsusugo ni Hesus sa pitumpung alagad na ating narinig sa Mabuting Balita ay hindi lamang kuwento na nangyari noon. Nararanasan din natin ito sa ating pang-araw araw na buhay. Tayo rin ay isinusugo araw-arawโ€”hindi lamang sa simbahan kundi sa ating tahanan, opisina, paaralan, negosyo, at maging sa social media. Ang bawat Kristiyano ay may misyon na maging tagapaghatid ng pag-asa, kapayapaan, at pag-ibig ng Diyos.
Ang paalaala ni Hesus sa mga alagad, huwag magdala ng maraming bagay. Gusto niyang matuto silang magtiwala sa Diyos kaysa sa kanilang sariling kakayahan. Paalaala rin ito sa atin. Sa panahon ngayon, iniisip nating madalas na kailangan muna nating maging handa, magkaroon ng mataas na pinag-aralan, maging magaling sa mga bagay-bagay, bago tayo makapaglingkod. Ngunit ang hinahanap ng Panginoon ay hindi perpektong tao, kundi pusong handang sumunod at magtiwala.
Napakalapit sa puso ko ang Gospel narrative na ito, dahil nagpapaalaala ito sa akin ng misyon na karaniwan naming ginagawa as Daughters of St. Paul; ang bumisita sa mga pamilya, sa parokya, sa mga schools na kung saan ay dinadala namin ang bibliya, mga aklat at iba pang mga babasahin na makakapagpalalim ng pananampalataya at pakikipag-ugnayan sa Dios.
Kapanalig, ang paalaala ni Hesus sa mga alagad, ay paalaala rin niya sa bawat isa sa atin. Dalhin ang kapayapaan saan man magpunta. When we are confronted with anger, division and negativity around us; tayong mga Kristiyano ay tinatawag at isinusugo na maging tagapaghatid ng kapayapaan. Minsan, sa pamamagitan ng mabuting salita, isang taos-pusong pakikinig, isang simpleng paghingi ng tawad, o isang tahimik na pagtulong ay sapat na upang maranasan ng iba ang presensya ng Diyos.
- Sr. Pinky B. Barrientos, fsp | Daughters of St. Paul

2 days ago | [YT] | 66

Paulines Multimedia

Mabuting Balita l Setyembre 30, 2026 โ€“ Miyerkules, Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
Unang Pagbasa: Job 9, 1-12. 14-16 | Salmong Tugunan: Salmo 88
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines

Ebanghelyo: Lucas 9: 57-62
Habang naglalakad si Jesus at ang kanyang mga alagad, may nag sabi kay Jesus. Susunod ako sa iyo saan ka man pumunta. May lungga ang mga pusang gubat at may mga pugad naman ang mga ibon. Ang Anak ng Tao na may wala man lang mahiligan ang kanyang ulo. At sinabi naman niya sa isa.
Sumunod ka sa akin. Pauuin mo ako para mailibing ko muna ang aking ama. โ€œHayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay. Humayo ka naman at ipangaral ang kaharian ng Diyos.โ€ Susunod ako sa iyo, Panginoon. Pero pauuin mo muna ako para makapagpaalam sa aking mga kasambahay. Hindi bagay sa kaharian ng Diyos ang humahawak ng araro at pagkatapos ay lumilingon sa likuran.
Pagninilay:
Natural lamang sa isang tao na maghangad ng seguridad o security sa buhay. Lalong-lalo na sa hirap na dinaranas natin sa panahon ngayon. Kailangan natin ng seguridad sa mga pangu-nahing pangangailangan at kondisyon upang maging ligtas, panatag, at maging malayo tayo sa panganib. Kabilang dito ang seguridad sa pananalapi, kalusugan, pagkain, at kaligtasan sa lipunan.
Nag-aalok si Hesus ng isang mas mahalagang seguridad na may katiyakang walang hanggan sa mga sumusunod sa Kanya. Ito ang kaharian ng Diyos. Dahil ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ay isang tungkuling napakahalaga na hindi natin dapat ipagpaliban. Subaliโ€™t hindi madali ang sumunod sa Kanya. Isang mabigat na responsibilidad ang pagiging alagad ni Hesus. Kailangan nito ang ganap na dedikasyon, buong-pusong pagtitiwala, at walang-kondisyong pagsunod na walang pag-aalinlangan.
Ang pagpapari o pagmamadre ay isang radikal na paraan ng pagsunod kay Kristo. Subaliโ€™t ang pagiging katekista, layko, guro, studyante, pagiging magulang o ano mang profession ay pamamaraan din ng pagsunod kay Hesus. Sa pamamagitan ng mabuting gawa, tapat na pakikipagkapwa, marangal na hanapbuhay at pagbabahagi ng Salita ng Diyos, tayo ay tunay na nagiging alagad niya.
Panalangin: Panginoon, turuan mo akong ialay nang taimtim ang aking sarili, lakas at buhay upang masunod ang iyong mga aral at makapagsilbi sa kapwa nang may pagmamahal. Amen.
-Sr Aida Adriano, FSP | Daughters of St. Paul

3 days ago | [YT] | 75

Paulines Multimedia

Mabuting Balita l Setyembre 29, 2026 โ€“ Martes, Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
Unang Pagbasa: Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12ab | Salmong Tugunan: Salmo 138
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines

Ebanghelyo: Juan 1: 47-51
Nakita ni Jesus na palapit sa kanya si Nathaniel at sinabi niya tungkol sa kanya. "Ayan ang tunay na Israelitang walang pagkokunwari." "Paano mo ako nakilala?" "Bago pa man tawagin ni Felipe, habang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita." "Grabe! Ikaw ang anak ng Diyos. Ikaw ang hari ng Israel." "Sinabi ko lang sa'yong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos at naniniwala ka na? Higit pa sa mga ito ang makikita mo. Talagang sinasabi ko sa inyo. Makikita ninyong nakabukas ang langit at panhikpanaog sa anak ng tao ang mga anghel ng Diyos."
Pagninilay:
Gaano mo kakilala ang iyong sarili? Gaano ka kakilala ng iba? Mayroong psychological model na i-dinivelop ang mga eksperto upang lubos nating makilala ang ating sarili at ang pagkilala ng iba sa atin. Ito ang Johariโ€™s Window na may apat na bahagi:
1. Ang mga bagay na alam natin at alam ng iba.
2. Ang mga hindi natin alam, ngunit nakikita ng iba.
3. Ang alam natin sa ating sarili, ngunit hindi alam ng iba.
4. Ang mga bagay na hindi natin alam at ng iba tungkol sa ating sarili.
Ngunit kung papakinggan natin ang Ebanghelyo ngayon, may panlimang bahagi, o higit pa sa Johariโ€™s Window. Ito ang pagkilala ng Diyos sa atin. โ€œBago pa man natin makilala ang Diyos, kilala na Niya tayo.โ€ Ito ang magandang mensahe ng Ebanghelyo tungkol kay Natanael. Bago pa man siya lumapit kay Hesus, nakita na siya ng Panginoon at kilala na Niya ang kanyang pagkatao. Ipinapaalala nito na hindi lamang panlabas na anyo ang nakikita ng Diyos, kundi ang buong pagkatao ng bawat isa.
Sa Kapistahan nina San Miguel, San Gabriel, at San Rafael, ipinagdiriwang natin ang mga arkanghel bilang tapat na mga lingkod ng Diyos. Si San Miguel ang simbulo ng katapangan sa paglaban sa kasamaan. Si San Gabriel na nagpapaalalang maging bukas sa mensahe at kalooban ng Diyos. At Si San Rafael, na tanda ng pagdamay at pagpapagaling ng Diyos. Magkakaiba man ang kanilang misyon, iisa ang kanilang puso: ang mapagpakumbabang paglilingkod sa Diyos. Tulad ni Natanael, mayroon din tayong mga bagay na nais nating itago sa iba.
Ngunit hindi natin kailangang magpanggap sa harap ng Diyos, sapagkat alam nya lahat ng ating kalakasan at kahinaan. Kilala Niya tayo nang buong-buo. Sa kabila ng ating mga kahinaan, hindi tayo tinatalikuran ng Diyos; sa halip, inaanyayahan Niya tayong lumapit sa Kanya. Kaya ngayong kapistahan ng mga Arkanghel, ipanalangin natin na tumulad tayo sa kanilang pagmamahal sa Diyos.
Panalangin:
Panginoon, tulungan niyo po kaming maging tapat at mapagpakumbaba, upang buong-pusong lumapit at maglingkod sa inyo. Amen.
- Cl. John Ervin Valerio, SSP | Society of St. Paul

4 days ago | [YT] | 98

Paulines Multimedia

Mabuting Balita l Setyembre 28, 2026 โ€“ Lunes, Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
Unang Pagbasa: Jb 1: 6-22 | Salmong Tugunan: Salmo 17
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines

Ebanghelyo: Lucas 9:46-50
Nangyari na ikinabahala ng mga alagad kung sino nga kaya sa kanilang pinakadakila. Alam ni Jesus ang pinagtatalunan nila sa kanilang isipan kaya kumuha siya ng isang bata at pinatayo sa tabi nila. At sinabi niya sa kanila, "Tumatanggap sa akin ang tumatanggap sa batang ito sa ngalan ko at tumatanggap sa nagsugo sa akin ang tumatanggap sa akin. At isa pa, ang matagpuan pinakamaliit sa inyong lahat ang siyang dakila." At nagsalita si Juan, "Guro, may nakita kaming nagpapalayas ang demonyo sa ngalan mo. Pero pinagbawalan namin siya dahil hindi siya sumusunod na kasama namin." Ngunit sinabi ni Jesus sa kanya, "Huwag ninyo siyang pagbawalan dahil panig sa inyo ang hindi laban sa inyo."
Pagninilay:
Sa Ebanghelyo ngayon, malinaw ang kaibahan ng kaisipan ng tao at kaisipan ng Diyos. Nang magtanong ang mga alagad kung "Sino ang pinakadakila?" binaligtad ni Jesus ang kanilang pagkaunawa sa kadakilaan: โ€œAng pinakamaliit sa inyong lahat ang pinaka-dakila.โ€ Nang sabihin nila, "Hindi siya sumusunod sa atin," sumagot si Jesus, "Huwag mo siyang pigilan; sapagkat ang sinumang hindi laban sa iyo ay para sa iyo."
Ang pinagkaka-abalahan ng mga disipulo ay kadakilaan, katayuan, at kung saan sila kasali. Pero ang itinuro ni Jesus sa kanila ay pagpapakumbaba, pagtanggap, at pagiging bukas. Hindi lang niya itinuwid ang kanilang mga salita o kilos. Dahil alam niya ang kanilang kalooban at pag-iisip, inaanyayahan Niya sila sa isang mas malalim na pagbabago: ang pagbabago ng kanilang pag-iisip at pananaw.
Inaanyayahan tayo ng Ebanghelyo na suriin ang ating kaisipan at mga pananaw. Ang pinaniniwalaan natin ang humuhubog sa ating pananaw, at ang ating pananaw ang humuhubog sa paraan ng ating pamumuhay. Kapag nakasentro ang puso sa pagkilala at paghahambing, madaling maging kakumpitensya ang kapwa. Ngunit kapag hinubog ni Hesus ang puso, nagkakaroon ng puwang para sa pagpapakumbaba, pagtanggap, at pasasalamat sa kabutihang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng iba.
Ang panawagan ay hindi lamang kumilos nang naiiba, kundi mag-isip nang naiiba, upang hayaang pabanalin ni Jesus ang ating isipan at baguhin niya ang ating pananaw. Nang sa gayon, unti-unti tayong matututong makita ang mga tao at mga sitwasyon sa Kanyang mga mata.
Panalangin:
Panginoong Hesus, alam Mo ang aming kalooban at isipan. Alam mo kung ano ang aming pinaniniwalaan, kung ano ang gusto namin, at kung paano namin nakikita ang aming sarili at ang iba. Panibaguhin mo ang mga nakatagong lugar sa aming isipan at puso. Palayain kami mula sa paghahambing, sa pagnanais na makilala, humatol, at makitid na pananaw. Nawaโ€™y unti-unting maging katulad ng sa Iyo ang aming iniisip, pananaw, at mga gawa. Amen.
-Sr. Judith Ma Le, FSP | Daughters of St. Paul

5 days ago | [YT] | 103

Paulines Multimedia

Mabuting Balita l Setyembre 27, 2026 โ€“ Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Unang Pagbasa: Ezekiel 18, 25-28 | Salmong Tugunan: Salmo 25
Ikalawang Pagbasa: Filipos 2, 1-11
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines
Ebanghelyo: Mateo 21: 28-32
Nagpatuloy si Jesus. Ano sa palagay niyo? May dalawang anak ang isang tao. Lumapit siya sa isa at sinabi, "Anak, pumunta ka ngayon at magtrabaho sa aking ubasan." Sumagot ang anak, "Ayoko." Ngunit pagkatapos ay nagbagong isip siya at pumunta. Pinuntahan din ng ama ang pangalawang anak at gayon din ang sinabi. Sumagot naman ang anak, "Opo." Pero hindi siya pumunta. At tinanong sila ni Jesus. Sino sa dalawang anak ang tumupad sa gusto ng ama? Ang una. Talagang sinasabi ko sa inyo, mas nauuna sa inyo patungo sa kaharian ng langit ang mga publikano at mga babaeng bayaran. Dumating nga si Juan para ipakita sa inyo ang daan ng kabutihan, subalit hindi kayo naniwala sa kanya, samantalang naniwala naman ang mga publikano at mga babaeng bayaran. Nakita niyo ito at hindi kayo nagsisi o naniwala sa kanya.
Pagninilay:
Ano ang mas mahalaga: ang sinasabi o ang ginagawa natin? Minsan, napakadali nating magsabi ng โ€œOpo,โ€ โ€œSige,โ€ o โ€œGagawin ko.โ€ Pero alam naman natin na may pagkakataong maganda ang ating sinasabi, pero hindi naman ito nasusundan ng gawa. Halimbawa, ilang beses na nating sinabi sa sarili โ€œMagbabago na akoโ€ โ€œMagpapatawad na akoโ€ o โ€œMas magiging mabuti na ako.โ€ Pero pagdating sa totoong sitwasyon, bumabalik pa rin tayo sa dati.
Ganito ang ipinapakita ni Jesus sa Ebanghelyo. May isang ama na nag-utos sa kanyang dalawang anak na magtrabaho sa ubasan. Ang una ay nagsabing ayaw niya, ngunit kalaunan ay nagbago ng isip at sumunod. Ang ikalawa naman ay nagsabing โ€œOpo,โ€ ngunit hindi naman ginawa ang sinabi niya. Kaya malinaw ang sinasabi ni Jesus: mas mahalaga ang pagsunod na nakikita sa gawa kaysa sa pangakong nananatili sa salita. Hindi ibig sabihin nito na hindi mahalaga ang ating mga salita. Mahalaga ang sinabi nating โ€œOpoโ€ sa Diyos. Pero ang โ€œOpoโ€ ay nagiging tunay lamang kapag nakikita ito sa ating buhay. Sapagkat madaling sabihin na mahal natin ang Diyos, pero makikita ito sa paraan ng pagmamahal natin sa kapwa. Madaling sabihin na nagpapatawad tayo, pero makikita ito kapag dumating ang pagkakataong kailangan talaga nating magpatawad.
Kaya magandang itanong sa sarili: Ang โ€œOpoโ€ ko ba sa Diyos ay nasa salita lamang, o nakikita rin sa paraan ng aking pamumuhay? Dahil sa huli, hindi lamang mahalaga kung ano ang sinabi natin sa Diyos, kundi kung paano natin isinabuhay ang ating sinabi.
-Fr. Ronel Delos Reyes | Society of St. Paul

6 days ago | [YT] | 29

Paulines Multimedia

Mabuting Balita l Setyembre 26, 2026 โ€“ Sabado, Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Unang Pagbasa: Mangangaral 11, 9 โ€“ 12, 8 | Salmong Tugunan: Salmo 90
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines

Ebanghelyo: Lucas 9: 43-45
Nang lubos na nagtataka ang lahat dahil sa mga ginagawa ni Jesus, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: โ€œItanim nโ€™yong mabuti sa inyong pandinig ang mga kataga kong ito: ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.โ€ Hindi nila naintindihan ang pahayag na ito at nalingid ito sa kanila upang hindi nila maunawaan. At takot naman silang magtanong sa kanya tungkol sa pahayag na ito.
Pagninilay:
Minsan, may nakausap akong isang tatay sa airport. Mahigit sampung taon na daw siyang seaman at dahil sa trabaho niya, halos hindi na niya nakita ang paglaki ng kanyang panganay na anak. Marami kaming napag-usapan tungkol sa buhay-pamilya. Hindi ko makakalimutan ang huli niyang sinabi: โ€œPadre, hindi ko ramdam ang tindi ng aking sakripisyo dahil ang pamilya ko ang nagsisilbing lakas at inspirasyon ko.โ€
Kapag may pagmamahal ang isang sakripisyo, tila nagiging madali. Ito rin naman ang ginawa ng ating Panginoon. Sa Ebanghelyo ngayon, muling isiniwalat ni Hesus sa kanyang mga alagad ang kanyang kamatayan. Hindi iyon kaagad naintindihan ng mga alagad. May nagsasabing, โ€œThe greater the sacrifice, the greater the glory.โ€ Alam naman natin na hindi iniisip ng isang taong totoong nagmamahal ang katanyagan bilang kapalit ng lahat ng kanyang sakripisyo.
Ganoon din ang sakripisyo ni Hesus. Hindi Niya pinasan ang krus para maging tanyag. Hindi Niya hinangad ang kaluwalhatian para sa Kanyang sarili. Pinasan Niya ang krus dahil sa pagmamahal sa atin. Ang Kanyang kamatayan ay hindi pagkatalo, kundi daan tungo sa ating kaligtasan. Ang Kanyang sakripisyo ay bunga ng isang pag-ibig na handang magbigay ng lahat, kahit ang sariling buhay.
Marahil, ito rin ang nais ipaalala sa atin ng Ebanghelyo ngayon: hindi lahat ng sakripisyo ay mauunawaan agad. May mga pagkakataong, tulad ng mga alagad, hindi natin nauunawaan kung bakit kailangan nating pagdaanan ang isang mahirap na sitwasyon. Bakit kailangang magsakripisyo? Bakit kailangang magtiis? Bakit kailangang may umalis nang matagal? Hindi laging ibinibigay ng Diyos ang buong paliwanag. Minsan, ang hinihingi Niya ay ang ating pagtitiwala sa Kanya.
Kaya sa bawat magulang na nagsasakripisyo para sa pamilya, sa mga OFW at seaman na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay, sa mga anak na nagsisikap para masuklian ang paghihirap ng kanilang mga magulang, at sa bawat taong tahimik na nagtitiis para sa ibaโ€”hindi nasasayang ang inyong sakripisyo. Maaaring hindi ito nakikita ng marami, walang pumapalakpak, walang nakakakilala sa inyong mga pagod at luha. Pero nakikita ito ng Diyos. Nawaโ€™y maging mas matatag pa kayo sa bawat pagsubok at patuloy na magtiwala sa awa at pagmamahal ng Diyos. Sapagkat ang bawat sakripisyong ginagawa dahil sa pagmamahal ay may kabuluhan sa Kanyang paningin. Amen.
-Fr. John Klen Malificiar, SSP | Society of St. Paul

1 week ago | [YT] | 10

Paulines Multimedia

Mabuting Balita l Setyembre 25, 2026 โ€“ Biyernes, Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Unang Pagbasa: Mangangaral 3, 1-11 | Salmong Tugunan: Salmo 144
#MabutingBalita #DaughtersOfStPaul #Paulines

Ebanghelyo: Lucas 9: 18-22
Minsan, mag-isang nagdarasal si Jesus at naroon din ang mga alagad. Tinanong niya sila, "Sino raw ako ayon sa sabi ng mga tao?" "Si Juan Bautista raw. May iba namang nagsasabing ikaw si Elias at may iba pang nagsasabing na isang propeta noong una ang nabuhay." "Ano naman ang sinasabi ninyo kung sino ako?" Sumagot si Pedro, "Ang Mesiyas ng Diyos." At inutusan sila ni Jesus na huwag sabihin ito kaninuman. Sinabi nga ni Jesus, "Kailangang magtiis ng marami ang anak ng tao. Itatakwil nga siya ng mga matatanda ng bayan, ng mga punong pari at ng mga guro ng batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong araw."
Pagninilay:
Minsan may paring nagkuwento tungkol sa kanyang pilgrimage sa Holy Land. Napakagaling daw mag-explain ang kanilang tour guide. Alam na alam daw nito ang mga pangyayari sa lugar na dinaanan ni Jesus, kaya lang, nang tanungin siya kung naniniwala ba siya kay Jesus, ang tugon daw ng tour guide ay โ€œItโ€™s just my job, Sir.โ€ Trabaho lang pala, walang personalan. Hindi naman kasi requirement ang pananampalataya sa kanyang trabaho bilang tour guide.
Kapanalig, sana hindi ka gaya niya. โ€˜Yon baโ€™ng nakabase lamang ang pagkakakilala kay Jesus sa mga nababasa at naririnig sa mga katekista, mga magulang o pari. Magandang umpisa โ€™yon. Pero gaya sa Mabuting Balita ngayon, hindi sapat para kay Jesus ang tugon na nagmula sa narinig natin sa iba. Kailangan din nating sagutin ang Kanyang tanong na: โ€œSa ganang inyo, sino ba ako?โ€ Nanga-ngailangan ito ng very personal answer. Maaaring mula sa mga natutunan natin, subalit kailangan, kapag sumagot tayo kay Jesus, ay may kasamang pananampalataya at paninindigan. โ€˜Yung sagot na naglalarawan kung anong relasyon ang meron tayo kay Jesus. Kung naniniwala tayo na si Jesus ang Diyos, ang tanong diyan, hinahayaan ba natin siyang maging Diyos ng buhay natin? Do we allow him to rule over us? Or do we confess that Jesus is our God, but we do things our way na malayo sa mga turo ni Jesus? Kapanalig, sino ba si Jesus para sa iyo? Hindi โ€™yong trabaho lang! Dapat personalan! Yung sagot na kaya nating panindigan at patunayan!
-Sr. Lou Ranara, FSP | Daughters of St. Paul

1 week ago | [YT] | 66