Ipinaabot ni Vice President Sara Duterte ang taos-pusong pasasalamat sa publiko sa patuloy na paniniwala at suporta sa kabila ng araw-araw na pambabatikos at paninira sa kaniyang pangalan.
Binigyang-diin ng Bise Presidente na bagama’t inaasahan nilang magpapatuloy ang black propaganda, nananatiling matatag ang tiwala ng taumbayan sa kanila.
Ani VP Sara, “Nagpapasalamat ako dahil kahit na araw-araw kung may binabanatan, sinisira ang pangalan at kung ano-anong akusasyon ang tinatapon sa amin ay nandiyan pa rin ang paniniwala, pagtitiwala at suporta ng taong bayan.”
Binatikos ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang pag-atras ng prosekusyon sa tatlong Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos ang 38 araw na paglilitis.
Ani Pulong, “For months, you accused, attacked, and dragged people’s names through the mud. Ngayon, tatlong articles of impeachment ang inyong inatras—at gusto ninyong paniwalaan ng publiko na bahagi lang ito ng inyong estratehiya?”
Aniya, “Hindi laruan ang impeachment, at hindi basta mabubura ang pinsalang dulot ng mga akusasyong inyong ipinakalat.”
Iniatras na ng House Prosecution Panel ang tatlo sa apat na impeachment charges laban kay Vice President Sara Duterte para tutukan ang Article 2 hinggil sa umano'y "unexplained wealth."
Ipinunto ni House Lead Prosecutor Rep. Gerville Luistro na sapat at matibay na ang kanilang mga inihain na ebidensya sa Article 2 upang patunayan ang culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.
Aniya, "Honorable Senator-Judges, beloved countrymen, the prosecution formally manifests its withdrawal of and intention to no longer pursue Article 1 on confidential funds, Article 3 on bribery, and Article 4 on threats. We respectfully submit this manifestation to the honorable impeachment court for its consideration and appropriate action."
Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na pag-aari niya ang loteng ipinakita ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag at iniugnay sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Ayon kay Duterte, kabilang sa mga dahilan ng hindi pagsama sa NBI sa listahan ng mga testigong ihaharap ng prosekusyon sa impeachment proceedings ang mga kuwestiyonableng ebidensiya, kabilang ang usapin sa affidavit ni dismissed police officer Rodulfo Gracioso Jr.
Dagdag pa ni Duterte, “Kung pera ng taumbayan ang ginagamit sa pagpapatakbo ng isang ahensiya, nararapat lamang na tiyakin na ang bawat hakbang nito ay naaayon sa batas, nakabatay sa katotohanan, at nagsisilbi sa interes ng sambayanan.”
Magkasalungat ang naunang pahayag ni PCO Usec. Claire Castro at ang naging panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng paghahanda sa posibleng kakulangan ng tubig dahil sa Super El Niño.
Una nang sinabi ni Castro na walang natatanggap na impormasyon ang pamahalaan tungkol sa posibleng kakulangan ng suplay ng tubig at hindi kailangang mag-imbak nito ang publiko.
Ani Castro, " Wala po tayong nababalitaan na kukulangin po tayo ng suplay patungkol po sa mga inuming tubig."
Subalit sa panayam sa Singapore, hinimok mismo ng Pangulo ang publiko na bumili ng mga balde at saluhin ang tubig-ulan bilang paghahanda sa inaasahang matinding tagtuyot.
Binatikos ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng pahayag nitong iniuugnay siya sa China bilang usapin ng national security. Tinawag ito ni Duterte na lantarang pag-amin na itinuturing siyang banta ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Duterte, ginagamit lamang umano ng Malacañang ang intelligence at law enforcement agencies upang siya ay manmanan, gipitin, at tuluyang pabagsakin sa ngalan ng politika.
Dagdag pa ng Bise Presidente, bigo umano si Marcos na pagtakpan ang kaniyang mga kabiguan sa pagpapaunlad ng ekonomiya, pagsugpo sa korapsyon at kriminalidad, gayundin sa pagharap sa territorial dispute sa West Philippine Sea. Iginiit niyang kung nanganganib man ang bansa, ito ay dahil sa mismong Pangulo.
Nangunguna si Vice President Sara Duterte sa presidential preference survey para sa May 2028 elections, na may 50% voter preference rating, batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Setyembre 17–24, 2026.
Sumusunod sa pambansang ranking si Naga City Mayor Leni Robredo na may 26%, pangatlo si Sen. Raffy Tulfo na may 12%, at pang-apat si Sen. Risa Hontiveros na may 3%.
Panglima naman si Department of National Defense (DND) Secretary Gibo Teodoro Jr. at pang-anim si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, na kapwa nakakuha ng 1%.
Panghuli si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nakakuha ng 0.3%.
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala siyang kinalaman sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at ipinauubaya na lamang niya sa Senado ang paghawak sa proseso.
Ayon sa Pangulo, nakatuon ang kaniyang oras at atensyon sa pagpapatakbo ng pamahalaan at pagtatapos ng kaniyang mga proyekto bago matapos ang kaniyang termino.
Ani Marcos, “Ang napapanood kong impeachment, ’yung five minutes na highlights at the end of the day. You think I have time to sit there for hours and hours? I have too much work.”
Dagdag pa niya, “Wala naman akong involvement diyan eh. Let the Senate do its work, ’di ba? Ako, ang dami kong ibang kailangang gawin. And so, that's what I spend my time on.”
Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroon siyang matagal nang sinusuportahang koponan sa Formula 1 (F1).
Bagama’t hindi pinangalanan ng Pangulo ang koponan, sinabi niyang inaabangan na lamang niya ang magandang karera sa Singapore Grand Prix dahil sa dami ng mahuhusay na driver at koponan sa kasalukuyan.
Ani Marcos, “I've always supported one team. Everybody knows what the team is. I won't bother talking about it. But right now, I'll tell you the truth, there are so many really good teams and drivers out there. So, I’m just hoping for a good race.”
Bumagsak sa -11 o “poor” ang net satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Setyembre 2026 mula sa -7 o “neutral” noong Hunyo 2026, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Setyembre 21–27, 2026.
Lumalabas na 46% ang hindi nasisiyahan sa pagganap ng Pangulo, 35% ng mga “adult” na Pilipino ang nasisiyahan, habang 20% ang undecided.
SMNI Digital
PATULOY NA PAGKAKATIWALAAN

6 days ago | [YT] | 11,081
View 471 replies
SMNI Digital
'MAHIYA NAMAN KAYO!’
Binatikos ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang pag-atras ng prosekusyon sa tatlong Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos ang 38 araw na paglilitis.
Ani Pulong, “For months, you accused, attacked, and dragged people’s names through the mud. Ngayon, tatlong articles of impeachment ang inyong inatras—at gusto ninyong paniwalaan ng publiko na bahagi lang ito ng inyong estratehiya?”
Aniya, “Hindi laruan ang impeachment, at hindi basta mabubura ang pinsalang dulot ng mga akusasyong inyong ipinakalat.”
6 days ago | [YT] | 7,395
View 422 replies
SMNI Digital
BAKIT INIURONG ANG REKLAMO?
Iniatras na ng House Prosecution Panel ang tatlo sa apat na impeachment charges laban kay Vice President Sara Duterte para tutukan ang Article 2 hinggil sa umano'y "unexplained wealth."
Ipinunto ni House Lead Prosecutor Rep. Gerville Luistro na sapat at matibay na ang kanilang mga inihain na ebidensya sa Article 2 upang patunayan ang culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.
Aniya, "Honorable Senator-Judges, beloved countrymen, the prosecution formally manifests its withdrawal of and intention to no longer pursue Article 1 on confidential funds, Article 3 on bribery, and Article 4 on threats. We respectfully submit this manifestation to the honorable impeachment court for its consideration and appropriate action."
1 week ago | [YT] | 155
View 191 replies
SMNI Digital
PILIT NA IDINIDIKIT KAY VP SARA
Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na pag-aari niya ang loteng ipinakita ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag at iniugnay sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Ayon kay Duterte, kabilang sa mga dahilan ng hindi pagsama sa NBI sa listahan ng mga testigong ihaharap ng prosekusyon sa impeachment proceedings ang mga kuwestiyonableng ebidensiya, kabilang ang usapin sa affidavit ni dismissed police officer Rodulfo Gracioso Jr.
Dagdag pa ni Duterte, “Kung pera ng taumbayan ang ginagamit sa pagpapatakbo ng isang ahensiya, nararapat lamang na tiyakin na ang bawat hakbang nito ay naaayon sa batas, nakabatay sa katotohanan, at nagsisilbi sa interes ng sambayanan.”
1 week ago | [YT] | 653
View 134 replies
SMNI Digital
MANGONGOLEKTA NG ULAN O HINDI?
Magkasalungat ang naunang pahayag ni PCO Usec. Claire Castro at ang naging panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng paghahanda sa posibleng kakulangan ng tubig dahil sa Super El Niño.
Una nang sinabi ni Castro na walang natatanggap na impormasyon ang pamahalaan tungkol sa posibleng kakulangan ng suplay ng tubig at hindi kailangang mag-imbak nito ang publiko.
Ani Castro, " Wala po tayong nababalitaan na kukulangin po tayo ng suplay patungkol po sa mga inuming tubig."
Subalit sa panayam sa Singapore, hinimok mismo ng Pangulo ang publiko na bumili ng mga balde at saluhin ang tubig-ulan bilang paghahanda sa inaasahang matinding tagtuyot.
1 week ago | [YT] | 72
View 150 replies
SMNI Digital
'BIGO SI BBM'
Binatikos ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng pahayag nitong iniuugnay siya sa China bilang usapin ng national security. Tinawag ito ni Duterte na lantarang pag-amin na itinuturing siyang banta ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Duterte, ginagamit lamang umano ng Malacañang ang intelligence at law enforcement agencies upang siya ay manmanan, gipitin, at tuluyang pabagsakin sa ngalan ng politika.
Dagdag pa ng Bise Presidente, bigo umano si Marcos na pagtakpan ang kaniyang mga kabiguan sa pagpapaunlad ng ekonomiya, pagsugpo sa korapsyon at kriminalidad, gayundin sa pagharap sa territorial dispute sa West Philippine Sea. Iginiit niyang kung nanganganib man ang bansa, ito ay dahil sa mismong Pangulo.
1 week ago | [YT] | 9,777
View 1,100 replies
SMNI Digital
LAMANG PA RIN SI VP SARA
Nangunguna si Vice President Sara Duterte sa presidential preference survey para sa May 2028 elections, na may 50% voter preference rating, batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Setyembre 17–24, 2026.
Sumusunod sa pambansang ranking si Naga City Mayor Leni Robredo na may 26%, pangatlo si Sen. Raffy Tulfo na may 12%, at pang-apat si Sen. Risa Hontiveros na may 3%.
Panglima naman si Department of National Defense (DND) Secretary Gibo Teodoro Jr. at pang-anim si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, na kapwa nakakuha ng 1%.
Panghuli si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nakakuha ng 0.3%.
1 week ago | [YT] | 1,839
View 348 replies
SMNI Digital
‘HANDS-UP’ SI BBM
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala siyang kinalaman sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at ipinauubaya na lamang niya sa Senado ang paghawak sa proseso.
Ayon sa Pangulo, nakatuon ang kaniyang oras at atensyon sa pagpapatakbo ng pamahalaan at pagtatapos ng kaniyang mga proyekto bago matapos ang kaniyang termino.
Ani Marcos, “Ang napapanood kong impeachment, ’yung five minutes na highlights at the end of the day. You think I have time to sit there for hours and hours? I have too much work.”
Dagdag pa niya, “Wala naman akong involvement diyan eh. Let the Senate do its work, ’di ba? Ako, ang dami kong ibang kailangang gawin. And so, that's what I spend my time on.”
1 week ago | [YT] | 56
View 113 replies
SMNI Digital
LOYAL SA ISANG TEAM SI BBM
Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroon siyang matagal nang sinusuportahang koponan sa Formula 1 (F1).
Bagama’t hindi pinangalanan ng Pangulo ang koponan, sinabi niyang inaabangan na lamang niya ang magandang karera sa Singapore Grand Prix dahil sa dami ng mahuhusay na driver at koponan sa kasalukuyan.
Ani Marcos, “I've always supported one team. Everybody knows what the team is. I won't bother talking about it. But right now, I'll tell you the truth, there are so many really good teams and drivers out there. So, I’m just hoping for a good race.”
1 week ago | [YT] | 48
View 63 replies
SMNI Digital
PABABA NANG PABABA
Bumagsak sa -11 o “poor” ang net satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Setyembre 2026 mula sa -7 o “neutral” noong Hunyo 2026, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Setyembre 21–27, 2026.
Lumalabas na 46% ang hindi nasisiyahan sa pagganap ng Pangulo, 35% ng mga “adult” na Pilipino ang nasisiyahan, habang 20% ang undecided.
1 week ago | [YT] | 990
View 400 replies
Load more